TWO THUMBS UP para sa mga babaeng;
- Kayang mag-mall mag-isa.
- Kayang kumain mag-isa.
- Kayang mag-commute mag-isa.
- Kayang manood ng sine mag-isa.
- Kayang tumayo sa gitna ng bus, na kahit pa may mga lalakeng nakaupo, hindi sila magrereklamo.
- Kayang magtiis makipagsiksikan sa LRT/MRT.
- Kayang bitbitin ang sariling bag kahit mabigat.
- Kayang alisin ang poise at kumain ng street foods.
- Kayang tiisin ang paglalakad kahit pa masakit na ang mga paa nila.
- Kayang magpaka-“gentleman” sa mas nakakatanda.
- Kayang pumila sa napakahabang pila at hindi kailangan maki-usap sa mga lalakeng nasa unahan.
- Hindi nagrereklamo kahit maputik ang daan.
- Hindi nag-iinarte kapag nasa publikong sasakyan.
- Hindi takot mag-isa sa bahay.
- Hindi kailangan sabihin sa iba ang kung anong masakit sa katawan nila dahil kaya naman na nila sa sarili nila at hindi na nila kailangan magpalambing muna sa iba.
- Hindi kailangan dumepende sa iba.
- Hindi palaasa sa mga lalake dahil lang sa babae sila.
- Naiintindihan na hindi sa lahat ng bagay ay applicable ang “Ladies First.”
- Two thumbs up para sa mga babaeng hindi dinadahilan ang pagiging babae para lang magkaroon ng special treatment.
At para rin sa mga babaeng…
- Naiwanan ng walang sapat na dahilan. Sa mga walang pagpipilian kung hindi ang maging matatag, kung hindi ang kayanin ang lahat ng mga nabanggit sa itaas dahil walang gagawa nito para sakanila.
NAKAYA KO LAHAT NG TO. NAKAYA KO. I AM SO PROUD OF MYSELF. ILANG TAON NA AKONG GANITO AT BUHAY PA AKO AT MASAYA PA DIN KAHIT ANONG MANGYARI. DAMN!























































