Mahang Kalabasa


Mga Sangkap:

4 tasa gata ng niyog (2 tasa kakang gata, 2 tasa 2nd extract)

1 tasa cornstarch, sinala

1 ½ tasa kalabasa, pinasingawan at minasa

1 ½ tasa asukal, puti 

1 ½ banilya

Budbod:

1 tasa sapal na niyog

¼ asukal,pula

Paraan ng Paggawa:

  1. Unti-unting ihalo ang cornsyrach sa isang tasang gata.
  2. Pagsama-samahin ang iba pang natirang sangkap.
  3. Haluing mabuti ata salain. Lutuin sa mahinang apoy habang patuloy na hinahalo hanggang lumapot.
  4. Kapag luto na, pahiran ng margarine ang hulmahan at ilagay sa hulmahan. Lagyan ng budbud at hiwain.

Budbod:

  1.  Haluing mabuti ang sapal at asukal.
  2.  Lutuin sa mahinang apoy hanggang magbrown.