Mahang Kalabasa
Mga Sangkap:
4 tasa gata ng niyog (2 tasa kakang gata, 2 tasa 2nd extract)
1 tasa cornstarch, sinala
1 ½ tasa kalabasa, pinasingawan at minasa
1 ½ tasa asukal, puti
1 ½ banilya
Budbod:
1 tasa sapal na niyog
¼ asukal,pula
Paraan ng Paggawa:
- Unti-unting ihalo ang cornsyrach sa isang tasang gata.
- Pagsama-samahin ang iba pang natirang sangkap.
- Haluing mabuti ata salain. Lutuin sa mahinang apoy habang patuloy na hinahalo hanggang lumapot.
- Kapag luto na, pahiran ng margarine ang hulmahan at ilagay sa hulmahan. Lagyan ng budbud at hiwain.
Budbod:
- Haluing mabuti ang sapal at asukal.
- Lutuin sa mahinang apoy hanggang magbrown.














































